Hindi makukumpleto ang aming Bataan trip kung hindi namin pupuntahan ang tanyag na “Las Casas Filipinas de Acuzar.” Sabi sa isang artikulo ng isang kilalang pahayagan, ang Las Casas ay galing sa pangarap ng isang arkitekto na si Jerry Acuzar, ang may-ari ng mga lupain sa tabi ng beach na noon pa ay ninais nyang gawin na isang “Historical Village Resort.” Hindi naglaon at natupad ang kanyang pangarap.
Ang Las Casas ay koleksyon ng mga Bahay na galing sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Sabi nga sa artikulo, binili sila ni Jerry Acuzar sa kanilang may-ari, o ‘di kaya mga may hawak ng kanilang titulo. Nakatayo ang mga bahay sa kalyeng bato o cobblestone kamukha nang makikita sa Vigan.
si mamang sorbetero at ang kanyang masarap na ube at gabi ice cream.
Casa Baliuag 2 – ang bahay na ito ay orihinal na nakatayo sa Baliuag,
Bulacan.
Eto naman ang loob ng Casa Luna na pagmamay-ari ng prominenteng pamilya ng Namacpacan, La Union. Ang bahay na ito ay itinayo noong 1850 (approx.)
Ang aming nakakaaliw na tour guide habang kami ay inililibot sa loob ng nasabing bahay.
Ganyan daw mamalansta noong araw...
ang baul...
Ang Casa San Miguel (kaliwa) at ang Casa Vyzantina (kanan)
Eto ang kisame na makikita sa loob ng Casa Vyzantina.
Hindi ko na masyadong matandaan kung eto ba ang Casa Mexico
Ang nasa larawan ay si Teodora Formoso at ang kanyang esposo na si Don Jose Alberto Alonzo (half-uncle ni Dr. Jose Rizal). Ang bahay na ito ay naging saksi, diumano, sa kataksilan ni Teodora, na sinasabing nagkaroon ng relasyon sa isang guardia sibil. Ayon sa kwento, ang ugnayan/relasyon ni Teodora at ng nasabing guardia sibil ay nabuo habang si Don Jose Alberto ay naglalakbay. Dahil madalas bumiyahe si Don Jose Alberto, madalas na naiiwan mag-isa si Teodora. Nang malaman ito ni Don Lorenzo, ang ama ni Don Jose Alberto, ikinulong nya sa isang silid sa loob ng bahay na ito si Teodora.
Eto naman ang Casa Lubao
Ang Casa Lubao ay ang ancestral house ni Cathy Vitug Gamboa Engstrom. Ang kanyang maternal great grandparents na sina Valentin Arrastia at Francisca Salgado ang nagtayo ng casa na ito sa Lubao, Pampanga noong early 1900s. Ito ay nasa harap mismo ng Lubao Municipal Hall.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit ng mga Hapon ang nasabing bahay bilang garrison.
Eto rin ang nagsilbing tahanan ni Richard Gutierrez sa kanyang teleseryeng "Zorro" na ipinalabas sa GMA 7 Kapuso Network.
Ang larawan ay isa sa mga silid sa loob ng Casa Lubao. Ang larawan naman sa ibaba ay ang dining area ng nasabing casa.
Ang Casa Quiapo. Hanggang dito lang maaaring kumuha ng litrato. May iba't ibang imahe sa loob nito. Mayroon ding munting museo sa itaas ng casa.
Marami pa ring instraktura na itinatayo sa Heritage Resort na ito kaya sa malamang babalikan ko ang lugar na ito. Dito rin pala magaganap ang APEC Summit sa susunod na taon (2015).
Matapos ang maghapon na paglilibot sa Las Casas, dito naman kami nagpalipas ng gabi...
at syempre hindi namin palalampasin ang pinong buhangin at malinis na dagat sa resort na ito..
Nakilala namin ang isa sa may-ari ng Morning Breeze Resort dahil kailangan namin syang kausapin para sa discount na hinihingi namin. Maayos syang kausap, mabait, mapagpatawa. Nakuha namin ang discount na hininingi namin, may libreng extra bed pa at higit sa lahat, pinaakyat nya sa puno ng mangga ang isang tauhan nila para lang ibigay sa amin ang ilan sa mga bunga nito, may kasamang bagoong pa... Sa'n ka pa?! Salamat po! In fairness, halos lahat naman ata ng nakausap/napagtanungan namin pati yung tricycle driver (na doon lang namin nakausap) na naghatid at sundo sa amin sa Las Casas ay mababait at magiliw.
The Casinos Near Mohegan Sun | Mapyro
ReplyDeleteThe Casinos Near Mohegan Sun · MGM 구미 출장안마 Grand Casino 경주 출장샵 · Holiday 충주 출장마사지 Inn by Wyndham · Ocean's Sky Suites by Wyndham 안산 출장마사지 Uncasville · Hampton Inn by Wyndham Norwich · 구리 출장안마 Holiday Inn by Wyndham