Sunday, 22 June 2014

Ang Isla ng Corregidor...


   Sang-ayon na rin sa suhestiyon ng aming kaopisina at kaibigan, bumiyahe ang aming grupo sa Isla ng Corregidor noong taong 2010. Wala pa kaming ideya kung ano ba talaga ang inaasahan namin na makita doon; basta ang alam lang namin, makasaysayan ang nasabing isla.

Ayon sa aking nabasa, ang Corregidor ay isang pulong nakalagak sa bukana ng look ng Maynila. Dahil sa kinalalagyan nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa look at lungsod ng Maynila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig dito naganap ang maraming labanan. Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor isang buwan ang makalipas.
 

 
  Sa Roxas Blvd. nagsimula ang aming biyahe papuntang Corregidor. At dahil nga isla ang nasabing lugar, kinailangan naming baybayin  ang look ng Maynila (Manila Bay). Maaliwalas ang panahon, kalmado ang look, walang naging aberya sa aming paglalakbay.

   Habang pinagmamasdan ko ang Manila Bay at ang mga munting isla na aming nadaraanan sa aming paglalayag, hindi ko mapigilan ang mapahanga at magpasalamat sa Diyos dahil sa ganda ng kanyang nilikha.

   
     Ang daungan sa Isla ng Corregidor...


      Eto ang Corregidor Inn kung saan nananatili ang mga panauhin ng isla at syempre, dito rin kami nagpalipas ng gabi.


     Ang simula ng aming paglibot sa isla...


        Ang mga bakas ng digmaan...



       At dahil ang lugar na ito ay naging punong himpilan ni Gen. Douglas MacArthur ng Estados Unidos at naging barracks at garrison ng mga sundalong Amerikano at syempre ng hukbong sandatahang Filipino, hindi talaga malabo na atakihin ito ng kalaban. Naisip ko ang hirap siguro mabuhay noong panahon ng digmaan. Sa katunayan, habang isinusulat ko ang blog na ito, naalala ko ang mga litrato at memorabilia na nakita ko sa Mt. Samat National Shrine Museum sa Bataan-- ang hirap na dinanas ng mga sibilyan lalo na ang mga bata at kababaihan... sayang at hindi lang pwede kumuha ng litrato o video sa nasabing museum.  Naisip ko na higit tayong mapalad at hindi natin naranasan ang mga hirap, pagod, takot, lungkot ng mga taong nakasaksi, nakaranas, nabuhay sa bagsik ng digmaan.  


    Dahil sa kagitingan ng ating mga bayani noong digmaan, malaya tayo ngayon na ngumiti, mamasyal, magsaya at kung anu-ano pa.  






       Hindi pa ako ipinapanganak noong panahon kung saan nilunsad ni Pres. Ferdinand E. Marcos ang "Operation Merdeka" kung saan nag recruit ng humigit kumulang na 200 na Tausug at Sama Muslims mula sa Taw-tawi at Sulu upang i-train sila at sa kalaunan ay maging miyembro ng elite unit ng Philippine Armed Forces. Sila ay ipinadala sa Corregidor para sa isang "specialized training." Subalit, sang-ayon pa rin sa artikulo na nabasa  ko, eto ay isang panlilinlang lamang. Ang nasabing training ay bahagi diumano, nang military operation para mabawi/bawiin ng Pilipinas ang Sabbah.  
 
    Ang Operation Merdeka ay nauwi lamang sa "Jabidah Massacre," kung saan pinatay ang mga Moro Muslims ng kanilang military handlers (AFP) upang burahin daw ang anumang ebidensya hinggil s sekretong "Take Back Sabbah Plan"dahil ito ay tuluyan nang nabunyag sa pamamagitan ni Sen. Benigno Aquino, ang katunggali ni Marcos. Isa rin din daw ito sa naging dahilan kung bakit nagpatuloy at yumabong ang pakikipaglaban ng mga Muslim. Nagsimula rin mabuo ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front. Sa mga nabasa ko tungkol dito, maraming nagtatanong kung talagang nangyari ito. Sabi kasi ng iba, hindi naman daw. Sinabi rin ni Marcos, na paninira lang daw ng oposisyon ang nasabing pagbubunyag. Anuman ang totoong nangyari, sana, tulad ng pagtatapos ng digmaan sa Corregidor, matapos na rin ang hidwaan sa pagitan ng ating gobyerno at ilang kapatid nating Muslim.  

  ....... at hindi ko matandaan kung ang mga nakasulat na pangalan sa pader ng isang gusali na nakita at napasok namin sa Corregidor (ang nasa larawan) ay may kinalaman sa Jabidah Massacre.





      
           Ang sculpture na Eternal Flame of Freedom ay nagpapaalala sa sakripisyo, pag-asa at pagnanasa ng Estados Unidos at ng Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan at kalayaan hindi lamang ng ating bansa kundi ng bawat bansa na nakilaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.   



     Sa loob ng Pacific War Memorial Museum makikita ang ilang larawan at memorabilia noong digmaan na naganap sa Isla ng Corregidor.....





     Ang nag-iisang simbahan sa isla...


        Ang lighthouse sa Isla....
 
     At syempre, hindi namin palalampasin ang napaka gandang view ng sunset...

  At ang aming karanasan sa loob ng Malinta Tunnel kung saan pinaranas sa amin sa loob ng ilang minuto kung paano mamuhay sa main at lateral tunnel ng Malinta Tunnel.
 

    Ayon sa aking nabasa, ang Malinta Tunnel ay sinimulang gawin noong 1922 (substantially completed in1932) at ito ay inabot  ng halos 10 taon. Ang command communications, medical units at headquarters ng USAFFE noong World War II ay makikita dito.
     Ang nasa itaas na larawan ay ang main tunnel at sa mga susunod na larawan ay ang mga lateral tunnel.







         
          Pinuntahan din namin  ang Japanese Tunnel...









At bago bumalik ng Maynila, langoy-langoy muna sa pool habang nag-aantay ng oras ng aming pag-alis...




No comments:

Post a Comment